Chapter 12 OPP

Chapter 12  -  Explanation

 

 

 

Cielo's  POV

 

 

 "Okay speak!"  walang gana kong sabi kay Michael.  Nandito kami ngayon at nakaupo sa canteen.  I have already informed Xander about this that he wanted to talk to me and to clarify things.  He just replied a go signal then yun na, pinaupo ko na sya sa table dito sa canteen.

 

"Claire lied to me.  That day, pumunta sya ng condo at pinakita sakin ang pregnancy kit and I found out the positive result."  pagsisimula nyang sabi sakin habang naktingin sa mga mata ko.

 

"Dahil sa kagustuhan nyang magkabalikan kami, nagpanggap sya na sa kanya iyong pregnancy test na 'yon, at sinabi nya rin na ako daw ang ama ng dinadala nya."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"  tanong ko naman.

"Dahil ngayon ko lang din nalaman.  Narinig kong may kausap sya sa phone, without her knowing na nasa likuran nya ako at pinapakinggan sya.  Hanggang sa marinig ko na lang kung ano ang sinabi nya na hindi naman talaga sya totoong buntis."  Tuloy-tuloy nyang sabi sakin.

 

"You know what, pinapatawad na kita." Diretso kong sabi sa kanya.  Sinasabi ko ito without any feelings of bitterness.  In fact, siguro, God's will yung nangyari sa pagitan  namin dahil kung hindi rin iyon nangyari, ay siguro hindi ko makikilala si Xander.  Bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa sinabi ko.

 

"Tama ba ang narinig ko mula sayo?" Lumiwanag ang mukha ni Michael nung sinabi ko ang mga katagang iyon at maaaninag sa kanya ang saya.

 

"Buong-buo na kitang pinapatawad, pero Michael, to be honest,, hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati, may boyfriend na ako, mahal na mahal ko sya, and he's feeling the same way too, I'm sorry."  Malungkot kong sabi sa kanya.

 

"No it's okay."  Pilit na ngiti ang binigay nya sakin.  

 

"Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako, in case that you need me, I'm just here around and waiting for you."  Pinilit ko nalang na tumingin sa ibang direksyon para na rin hindi ko makita ang lungkot na makikita sa kanya.  

 

Hindi rin ako sanay na nakikita sya na ganito kalungkot.  

 

"I think I better get going"  mabilis syang tumayo at naglakad na nga palayo sakin.  Inayos ko na rin ang sarili ko para na rin umuwi.  

Nagtext sakin si Xander kanina na mauuna nalang daw syang umuwi, pahatid nalang daw ako kay Michael.  Hindi man nya sabihin but I can feel how jealous he was. 

 

Nang makalabas na ako sa gate ng school ay nagtuloy-tuloy na akong umalis palayo dito.  Sa isang poste ng ilaw doon ay nakita ko ang isang lalaking matikas na nakasandal dito habang ang dalawang kamay nito ay kapwa na nakapamulsa.  Seeing him in that position made my heart so happy that I ran towards him and approached him.  

Nang makita nya ako ay agad syang tumayo ng tuwid at naglakad na rin pasalubong sakin.

 

"How's your talk!"  sobrang higpit ng pagkakayakap nya sakin.  Dahil nga sa 6'1 nyang tangkad ay abot hanggang dibdib nya lang ako.

"We're okay already!"  sagot ko sa tanong nya.

Nilayo nya ako sa kanya at tiningnan ako ng magkasalubong ang kilay.

"Nakikipagbalikan ba sya?  binalikan mo ba sya?"  sunud-sunod na tanong nya

"Ano ba namang tanong yan?  Syempre hindi no, bakit ko pa sya babalikan eh may mas hot na boyfriend na ako kesa sa kanya."  Nangingiti kong sabi.

 

"WHAAAT?  AT IYON LANG PALA ANG DAHILAN MO!"  nabingi naman ako sa sobrang lakas ng boses nya.  

"Thanks to my hot body and godly look!"  sabay talikod sakin.  Natuwa naman ako sa tinuran nito kaya naman agad ko syang niyakap mula sa likod.

 

"Syempre joke lang yun, hindi kita ipagpapalit dun kasi nga mahal na mahal na mahal kita." 

 

"Asus! Nasasabi mo lang yan dahil masyado pa tayong bata, ayaw mo nga akong pakasalan ehh!"

 

"Gusto mo na ba?"  seryoso kong tanong sa kanya.

 

"Pwede ba?"  balik na tanong nya sakin.

 

"Let's go!"  nauna akong maglakad hawak hawak ang kanang kamay nya.

 

"San tayo pupunta?"  pagtataka nyang  tanong sakin.

 

"Maghahanap ng magkakasal satin?"  natatawa kong sabi.

 

Bigla nya akong niyakap ulit.  Tuwing ginagawa nya to sakin ay para bang sobrang ligtas ko sa kanya.  Yun bang hinding-hindi nya ako papapbayaan.  That is love.  A love that will envelop you to his shoulder and will assure you that everything's gonna be alright.  Iyon ang pinaparamdam nya sakin.

 

"As I've said before, Cielo, please wait for me!  I want us to be together.  Ikaw na ang gusto kong makasama panghabang buhay.  I want you to carry my child, to be the mother of my children and to be with me all the time."  bawat bigkas nya ng mga salitang ito ay tumatagos sa kaibuturan ng aking mga puso.  Damang dama nito.  Ito yung mga salita na hindi lang basta puro mabulaklak, pero nagsasaad ng may katotohanan at mismong ang puso nya talaga ang nangungusap

.

"Xander, tara na, baka mamaya makasuhan pa tayo ng PDA dito, lagot pa tayo"  sabi ko sa kanya para lang mapigilan ko ang sarili ko na bumagsak sa kinatatayuan ko dahil nga sa pinaparamdam nya sakin.

 

"Hayaan mo sila, wala na rin naman tayo sa loob ng school".

 

.....

 

Biglang may mga pumasok na mga lalaking nakaitim at isa sa kanila ay agad na sinuntok si Xander sa mukha.  Halos mapasigaw ako ng sobrang lakas sa nangyaring iyon.  Nakita kong bumagsak si Xander mula sa sahig.

At mula sa pintuan ng bahay nila  Xander ay nakita kong pumasok ang Daddy.

 

"Dad, anong ibig sabihin nito?!"  nakita kong lumapit ang mga lalaki kay Xander na akmang tatayo pa sana pero agad syang hinawakan ng mga 'to sa dalawang kamay at sinuntok sa tyan.

 

"NOOOO!!!"  tumakbo ako palapit sa kanila pero nahakawan ako sa kanang kamay ni Daddy!!!

 

"Dad, sasama naman ako sa inyo ng maayos, HINDI NYO NA KAYLANGAN PA SYANG SAKTAN!!"

 

"BINALAAN NA KITA DITO CIELO PERO HINDI KA NAKINIG."  Nakita kong tumingin sya sa mga lalaki na bumubugbog kay Xander.  Hindi sya makalaban dahil na rin siguro sa sobrang higpit ng hawak sa kanya at ganun din na sobrang dami nila.  Isa laban sa pito? Ano ba naman ang laban nya.

 

"SIGE TURUAN NYO YAN NG LEKSYON!!"  agad kong hinawi ang kamay ni Daddy na nakawak sakin at nakatakbo ako palapit sa kanila.

 

"BITIWAN NYO SYA!! MGA WALANG HIYA KAYO!"  Isa-isa ko silang pinagtutulak.  Nakita kong tumingin sakin ang isang mata na halos nakapikit na ni Xander, pinipilit nya nalang idilat ito.  Putok na rin ang labi nito at may mga nagkalat ng mga dugo sa mukha nya. 

 Halos manghina ako ng makita ko ang ganitong kalagayan nya.  Agad ko syang niyakap ng buong-buo habang nag-uunahan naman sa pagtulo ang mga luha ko.

 

"Husshhhh, stop crying Gamot, I'm okay!"  hinihingal nyang sabi sakin.  Pero nanatili lang akong nakayakap sa kanya ng mahigpit.

 

 

"Just stay away from here, I can handle this.  Let me handle this."  Pilit na ngiti ang pinakita nya sakin.  "Kaya ko sila, mga matatapang lang yan dahil madami sila" 

 

 

"No!!" sigaw ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

 

 "Dad, let's go, sasama na po ako sa inyo, just leave him!  Please!"  pagmamakaawa ko pa sa kanya ng makatayo na ako.

 

"Cielo, hindi mo ito kaylangang gawin." Sabi nya.  Pero hindi ko sya pinansin bagkus ay nanatili lang akong nakatingin kay Daddy.  "CIELO!"  sigaw ng kanyang kasintahan.  "we can do this."  dagdag pa nito.

 

Still, I control myself not to look at him, he does not deserve this.  Hindi dapat, at ayokong dahil sakin kaya sya mapapag-initan ng ganito.

 

"Binalaan na kita tungkol dito Cielo!  Let's go!"

 

"Aalis lang ako dito kapag pinalabas  mo na sila."  Tingin ko sa mga lalaki especially sa mga lalaking malapit  kay Xander.  I saw Dad just signaled them and one-by-one, they started to walk out of the room.

 

 

"LET'S GO!"  sabi ng papa.

 

 

I just paused for a while  and this time, tumingin na ko sa kanya.  

 

"Wag kang sumama sa Daddy mo, Cielo,  ilalayo ka nya sakin"  hinihingal nyang sabi.  wala akong ibang sinabi sa kanya bagkus ay hinaplos ko lang ang parteng mukha nya na may mga tulo ng luha nito.

 

"Wag mo kong iiwan!"

 

"I won't do that.  May gagawin lang ako, aayusin ko to, at maaayos ko to.  Xander, take care of your self first, okay?" agad akong tumayo at walang tingin-tingin na nilisan ko na ang lugar kung nasaan ang lalaking pinakamamahal ko.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2