Chapter 25 FBBF

 

Chapter 25  FBBF 

 

 

Yoshabel's  POV

 

Nandito na kami ngayon sa apartment hinatid kami ni Jayden, akala ko nga ipipilit nya na doon kami umuwi sa condo nya, pero hindi muna ako pumayag para na rin sa kambal.

At ayun, napapayag ko naman agad sya. 

Katatapos ko lang magpalit at bumaba muna ako sa sala, I want to watch movie first.

Pababa na ko ng makita ko si Yosh na nanonood ng TV sa baba. Tinignan ko kung ano yon, yung paborito pala nitong Spongebob Squarepants.  Naalala ko na naman ang pakikitungo nya sa Daddy nya kanina, kailangan ko nga pala syang kausapin.  Ito kasi ang mahirap sa batang matalino ehh, masyadong sensitibo sa lahat ng bagay.

"melabs, why are you still awake?"  tanong ko dito.

The kid looked at me.

"I'm not yet sleepy Mom"  he answered

Umupo ako sa tabi nya at niyakap ko sya.

"melabs?"  - ako

"Yes po?"  tanong nito

"Hindi ka ba masaya na nandyan na ang daddy mo?"  tanong ko.   I didn't get any answer coming from him.

"What's the problem?"  - ako

"I don't like him Mom"  he answered while still looking at the monitor

"Bakit naman?"  - ako

"He hurt you back then"  he answered

"Di ba I told you that once someone has committed mistakes to you, be open for forgiveness?"  I said

"Yes Mommy"  sabi nya.

"You should do the same to Daddy"  sabi ko.

"Bakit ikaw po ba?  Pinatawad mo na po ba sya?"  bigla syang tumingin sakin

"melabs, only if you would know that it is your father who forgives me, and yes, I have already forgiven him with the shortcomings he had commited"  tuloy-tuloy kong sabi.

 

"But Mommy, nakita ko po sya kung gano sya kagalit sayo sa office that's why I don't like him"  nalukot na itsura nito, hindi na sya malungkot, bigla ng kumulit ang itsura nito.

 

Maya-maya pa ay may narinig kaming nag-doorbell at agad naman kaming napatingin sa pintuan.

"Ako na po Mommy"  ngiting sabi nya.

"Okay meLabs,"  at nakita ko na nga syang tumakbo papunta sa pintuan

Narinig kong bumukas ang pinto at bigla namang sumara ito ng malakas.

Nakatuon pa rin ang mga mata ko sa t.v. pero maya-maya lang ay narinig ko ang tunog ng doorbell.  Tiningnan ko ang pinto.

"Yosh, bakit hindi mo binubuksan yan, kanina pa yan ahh?"  pagtataka ko.

"Wala Mommy stranger lang"  sagot nya habang naka harang ang katawan nito sa pinto.

Pero patuloy pa rin sa pagtunog ang doorbell kaya tumayo na ako at lumapit dito.

"No Mommy! You should not open the door, there's zombie outside"  pagpipigil nito sakin.  Natawa naman ako sa ginawi ng anak ko.

"Mommy wag na po"  sabi pa nya.

Tinitigan ko lang sya ng maigi.

At iyon na nga tumabi na sya then I opened the door.

Nagulat ako kung sino ang nasa labas nito.

 

 

 

Jayden's  POV

 

 

Nandito ako ngayon sa labas ng apartment ng mag-iina ko.  Since hindi pa nga sila pwedeng lumipat sa condo ko, ako muna ang lilipat sa kanila para naman mabantayan ko sila. 

Pagkakita ko sa bahay nila, napanganga na lang ako, grabe lang ehh parang kwarto lang ito ng condo ko ahh.  Anyway, kinuha ko na ang mga maleta ko at pumunta na sa tapat nito.

I pressed the doorbell.

"hmm walang sumasagot" 

 

Again, I pressed the doorbell twice, then isa pa at ayun na nga naririnig ko na ang paggalaw ng doorknob.

Nagulat naman ako sa nagbukas nito.

Si liit.  Nang makita nya ako, nanlaki ang mga mata nya ganun din ng bibig nito. 

"Hi Jayden li---

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla nya akong sinaraduhan ng pinto.

Aba't ang bait talaga ng Junior ko, manang-mana sakin.

Nag-doorbell pa ulit ako, ayaw pa rin buksan,

"Sige lang Jayden, wag mong sukuan yan" I told to myself.

As I pressed the doorbell, may narinig na akong sumigaw

"Yosh, bakit hindi mo binubuksan yan, kanina pa yan ahh?"  rinig kong sigaw ni Yoshabel.  Aba't buti naman nagtaka na tong si Yosh, ang mahal ko.

 

"Wala Mommy stranger lang"  sagot naman ni bubwit.

Nag-doorbell ulit ako, stranger pa la hah.

"No Mommy! You should not open the door, there's zombie outside"

Hala lagot ka talagang liit ka papatulan na kita ehh.

"Mommy wag na po"  rinig ko pang sabi nya.

At iyon, bumukas na nga ang pinto at nakita ko nga si Yoshabel na nagbukas nito.

"Jayden, what are you doing here?"  tanong nito sakin.  Napadako ang mga mata nya sa dala kong maleta.  Kinuha ko ito at pumasok sa loob.

"Dito muna ako titira."  Sabi ko

"WHAT?!"  rinig kong sigaw ni Jayden liit.

"You're not welcome here"  I heard him said that.

"And why?  Do I need your permission?"  sabi ko kay liit.

Naglakad ako palapit kay Yosh at umakbay sa kanya.

"melabs, grabe pagod ko saan ang kwarto natin?"  tanong ko dito

"Hoy, layuan mo ang Mommy ko!!!"  sigaw nya sakin

Inaasar ko lang naman sya, hahah, ang sarap asarin ng batang to.

"Magtigil na nga kayong dalawa, Yosh, akyat kana sa taas and sleep already, you still have class tomorrow."  - sabi ni Yoshabelle kay Jayden liit.

Sumunod naman agad sya.  Wow lang, masunurin sa Mommy nya.

Palagpas na sya sakin ng magsalita pa sya.

"Wag ka tatabi kay Mommy hah"  tinitigan pa nya ako ng masama. Sabay akyat sa kwarto nya.

Humarap naman sakin si Yoshabel.

Magsasalita na sana sya ng bigla ko syang niyakap

"I missed you" sabi ko.

"Pagod na pagod na ko at gusto ko ng matulog, san ba kwarto natin?"  tanong ko dito.  Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap sa kanya.

"Bakit ka naman sa kwarto ko matutulog?  Hindi pwede!"  bumitaw sya sa yakap ko

"and Why?"  I asked her.

" baka makita ng mga bata"  sya

"hah?  Eh ano naman, ako naman ang daddy nila ahh?"  sabi ko pa

"Basta hindi pa rin pwede"  sabi nito.

"Okay, dito nalang ako sa couch matutulog"  lumakad na ko papunta dito at doon inilagay ang mga gamit ko.  Tignan ko lang kung kakayanin ng konsensya nya, bulong ko sa sarili ko.  Maya-maya lang:

"O sige na, dun kana sa kwarto ko matulog"  rinig kong sabi nya at nauna na syang umakyat.

Natuwa naman ako sa sinabi nya kaya dali-dali akong umakyat sa taas.

Naabutan ko syang nakahiga na.

"Paligo muna hah."  Pagpapaalam ko dito.

Nakatapos na ako sa paliligo, binilisan ko talaga para lang maabutan ko pa syang gising pero tulog na agad sya.  Hindi na ako nagsuot ng damit, mag-boxer nalang ako.

Humiga na ko sa kama at tinignan ko muna si Yosh, hinalikan ko ang tyan nito.

"Goodnight baby"  sabi ko dito sabay halik.  Pagkatapos ay nilapit ko sya sakin para yakapin.  Ang sarap lang sa pakiramdam, para bang nakauwi na ako sa tahanan ko.  At natulog na nga ako.

.....

 

 

Naalimpungatan ako sa mga sasakyan sa labas that's why I started to open my eyes.  How long I have been sleeping, I asked myself.  

Para kasing tanghali na at bawing-bawi ang lahat ng lakas ko dahil sa tulog ko.  Iba ang kwarto, teka oo nga pala, nandito ako ngayon sa mga anak ko.  Agad akong tumayo, anong oras na ba, nakita ko ang cellphone ko at tinignan ang oras, sh*t 11 am na.  

Ganon ako kahaba nakatulog.  Teka, ang mga anak ko, pumunta akong CR para maghilamos, hindi na muna ako nag-suot ng damit.

Pagbaba ko ay nakita ko si Yosh na nanonood ng TV, agad nyang napansin ang prisensya ko at lumapit sakin.

"Good morning Mr. CEO" nakangiti nyang bati sakin, "How's your sleep?"  tanong nya pa.

Napangiti naman ako sa tinuran nito, nilapitan ko sya at saka niyakap.

"Ang sarap ng tulog ko, melabs, salamat"  bulong ko sa kanya.

"Nasaan na ang mga bata?"  tanong ko dito.

"Sa school na, hindi na kita ginising kanina dahil halatang pagod na pagod ka"  sabi pa nya.

"Anong oras uwian nila?"  tanong ko

"2:30 pa"  -sya

"Ihanda mo na ang mga gamit ng mga bata, mag-out of town tayo at may bibisitahin" sabi ko.

Nakita ko naman na napatingin sya sa akin ng may pagtataka. 

"San tayo pupunta?" tanong nya.

"Basta"  - ako

"Ehh pano ang pasok ko?  Ang trabaho mo?" pagtataka nya pa ring tanong.

"Don't worry, I'm the boss!  Mabubuhay ko naman kayo kahit hindi pa ako pumasok"

Sabi ko

Magsasalita pa sana sya ng mapahawak sya sa bibig nya at dali-daling pumunta sa kitchen sink.  Agad ko naman syang sinundan.

Doon ay naabutan ko syang sumusuka.

"Hey are you okay?"  tanong ko habang hinihimas himas ang likod nya.

Inabutan ko sya ng tissue para pampunas.

Inalalayan ko syang umupo sa lamesa.

"Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?  Baka mamaya kung ano na yan" sabi ko.

"Wag ka ngang OA, normal lang sakin to, Teka, paghandaan na kita ng pagkain"  sabi nya.

"Nahh, I'm okay, kaya ko na!"  tatayo pa sana ako pero..

"No!  hindi pwede, ako na ang bahala, dyan ka lang"  nakita ko syang tumayo na at isa-isang nilagay ang mga pagkain sa lamesa.

.....

 

 

 

Third Person's  POV

"Kuya, let's go"  kinuha na ni Drew ang bag nya sa upuan at isanabit iyon sa likod nya.

"Wait for me outside, I'll just pee"  sagot ng kuya nito.

"Okay!"  maligayang sabi ng bata.

Hinihintay ni Drew ang kapatid ng biglang may dumaan na batang babae.

"Hay naku, nandito pa pala ang bata na walang Daddy"  sabi nito

"Sorry ka Chelsea, pero may Daddy na ako at dumating na sya"  - sabi ng batang babae.

"Daddy?  Eh wala ka ngang pinapakita sa amin ehhh"  "Unless your mother got her boyfriend again and accidentally carry a child again.    Hahahhahha" sabi nito sabay tawa.  

"Ang sabihin mo aksidente lang kayong naipanganak ng kuya mo, kawawa naman kayo!"  dagdag pa nito.

Lumapit ang bata at tinulak ang batang kaaway nito.

"Hindi kami aksidente" bigla namang umiyak ang bata at saktong dumating ang mga magulang nito. 

"Drew!"  tawag ni Yosh sa kapatid.  Nakita sya ni Drew at agad itong tumakbo at nagtago sa likuran nito.

"Wahhh, Daddy, tinulak po ako nung batang babae na yun ohh, dumadaan lang naman po ako"

Lumapit ang mga magulang nito sa kambal.

"Bakit mo tinulak ang anak ko ha?"  sabi nito habang nakatingin kay Drew.

"Wag mo pong sigawan ang kapatid ko! Natatakot sya"  pagtatanggol ng kuya nito.

"Aba't kinakampihan mo pa yan?  Hindi ba kayo tinuturuan ng magandang asal ng mga magulang nyo?"  sabi nito.

Inabot ng lalaki ang kamay ni Drew at hinihila na ito.

"Kuya, Kuya wahhhh uwaaaaa help me"  iyak ng batang babae.

"Let go of her, bitawan mo sya, let go of her, you're hurting her!  Let go"  sigaw ni Yosh habang tinatanggal nya ang kamay ng lalaki sa mga braso ng kapatid.

....itutuloy

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2