Chapter 51 FBBF

 

Chapter 51 FBBF  

 

 

Yoshabel's  POV

Lumapag na ang eroplano sa Germany International Airlines pagkatapos ay tumuloy kami ng mga bata sa isang hotel.  Mamayang alas-tres ang kasal.  Tatlong oras na lang ang natitira pa para sa kanya para mapigilan ito.

"Mommy, we will go with you in the wedding"  narinig kong nagsalita si Yosh mula sa likuran ko hawak-hawak sa Kanang kamay si King.

"Hindi pwede, kailangan nandito lang kayo, kahit anong mangyari, matuloy man iyon o hindi, dito lang kayo.  Just wait for me"  seryoso kong sabi dito.

"No Mommy!  I insist!  Daddy just told me before to stay with you wherever you are."  He said.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.

"Just promise me that whatever happens, you'll stay out of this, okay?" 

Iling lang ang sinagot nya.

"No, say it"  ulit ko pa

"I promise Mommy."

"MOMMY!"  narinig kong sigaw ni Drew.

Agad akong tumakbo sa kwarto nito at nakita ko sya na nasa pintuan ng CR.

"King is missing"  bigla akong kinabahan sa narinig ko.

"Baka naman bumaba lang o umalis o may tinignan"  sunud-sunod na sabi ko dito.

"Yung backpack po nya na lagi nyang dala, wala na po dito."  Dalawa at kalahating oras na lang ay magsisimula na ang naka-schedule na kasal ni Jayden.  Hindi nya alam kung sino nga ba sa dalawa ang dapat nyang unahin.  At the end, she decided to look for her King.

 

Third Person's POV

"Excuse me Mister, how can I get in this place?"  tanong ni King sa isang lalaki na nakaupo sa katabing bench.  Sa ipinakitang papel nito ay nakasulat ang address na "Church of Ramsau"  buti nalang at marunong din mag-ingles ang kinausap nya kaya nga ay agad na sinakyan ng bata ang taxi na tinuro nito. 

Nang makita ni King na nakabukas ang laptop ng Mommy nya ay agad nya itong tinignan.  Sakto naman na naka-open pa ang email ng mommy nya kaya naghanap sya doon ng mga maari nyang magamit sakali mang magpunta sila sa lugar kung nasaan ang daddy nya.

Matapos nyang makuha ang address ay kaagad syang tumakbo papasok sa kwarto nito.  Kinuha nya ang isang malaking piggy bank na naglalaman ng mga ipon nya.  Halo-halo ang mga laman nito pero karamihan dito ay mga dollars na galing mismo sa Daddy nya.

Habang nakasakay sa taxi ay sobrang hanga naman nya sa mga tanawin na kanyang nakikita.  Yung mga mala-kastilyo na matataas na building. 

Maya-maya pa ay naramdaman nalang nya na huminto ang taxi.

Tumingin sa kanya ang driver nito senyales na kaylangan na nyang mag-abot ng pera.

"How much?"  tanong nito sa driver.

 "35€" maikling sagot nito.

Kumuha ang bata ng pera sa labas at nagbilang ng dollar. 

"Here's 60$, is that enough?"  nakangiting tanong ni King dito.

Nagtataka lang syang tinignan nito pagkatapos ay  bumaba.  Tumambad sa kanya ang isang mataas na simbahan na mula sa malayo ay kita nya ang maraming tao na nagtitipon-tipon sa pinaka-entrance nito.

Inayos muna ni King ang suot nyang damit at ganun din ang kanyang backpack bago nagpatuloy na sa paglalakad.  Malapit na sya dito ng may mamataan syang isang stand na nagtitinda ng maraming lobo, at sumbrero with different faces of animals.

Bigla namang natuwa ang bata pagkakita nito at lumapit sa nagtitinda.

"How much is this?"  tanong ng bata sa nagtitinda.

"10 €"  maikling sagot nito.  kumuha ang bata ng pera sa bulsa nya at naglabas ng 20 dollars at inabot sa nagtitinda. 

"Is that okay with you?"  tanong ng bata.  "Keep the change please." Pagmamakaawa nito.  Matagal pa bago nakasagot ang nagtitinda pero sa huli ay binigyan din sya nito.

Inabot sa kanya ang sombrero na may mukha ng aso at sinuot na nya ito habang subo-subo ang lollipop na binigay din sa kanya ng nagtitinda.

Tinatahak na ng bata ang daan patungo pasukan ng simbahan ng may mapansin syang babae na nakaitim at may suot-suot na black shades.

"Good afternoon Madam"  sabi ng bata.  Nakita nya itong bumaba ang tingin sa kanya. 

"Why are you hiding behind the tree?  Aren't you invited to the wedding?"  masayang sabi nito.

"Umalis ka nga dito bata!"  sabi ng babae sa kanya.

"Pilipino din po kayo?" hanga na tanong nito sa babae.

"Oo bakit?  Umalis ka nga dito.  Baka hinahanap ka na ng magulang mo!"

"Bahala nga po kayo dyan"  sabi ni King dito at nagpatuloy na ng paglalakad.

 

Yoshabel's  POV

"Mommy, ano po ang gagawin natin, thirty minutes na lang po at magsisimula na ang kasal ng Daddy."  Sabi sa kanya ni Drew.  Nag-iisip sya ngayon kung ano nga ba ang dapat gawin.  Actually, halos pagod na sya sa kakahanap sa bunsong anak pero hindi sya sumusuko.  Halos dalawa at kalahating oras na rin syang naghahanap dito kasama si Yosh.

Si Drew naman ay naiwan lang dito sa hotel sakali mang umuwi na ang kapatid pero bigo pa rin kami. 

Napatingin kami sa pintuan ng bigla itong bumukas.  Si Yosh.

"Mommy, nandyan na po sa baba ang taxi na tinawagan mo kanina.

It's now or never.  Sabi ko sa sarili ko.

"Let's go, pupunta tayo sa kasal muna ng daddy nyo."  Sabi ko sa kanila.

At lumabas na nga kami ng kwarto.

 

Third Person's POV

 

"Dear friends and family, we are gathered here today to witness and celebrate the union of Hanah Maria Dizon and Jayden Andrew Montereal in marriage.  Through their time together, they have come to realize that their personal dreams, hopes, and goals are more attainable and more meaningful through the combined effort and mutual support provided in love, commitment, and family; and so they have decided to live together as husband and wife."

"If any of you has reasons why these two should not be married, speak now or forever hold your..........

"ITIGIL ANG KASAL!"  malakas na sigaw ni Yoshabel habang tinatahak nito ang kahabaan ng aisle patungo sa altar.

Halos lahat naman ng mga tao sa loob ng simbahan ay nakatingin sa kanya.  Kasabay din nito ang paglingon nila Jayden at Hanah.

"YOSHABEL?"  malakas na sabi ni Jayden.  "What is she doing here?"  tanong naman ni Hanah sa kanya.

"I don't know"  pagtataka ni Jayden.  Agad syang umalis sa tabi nito.

"JAYDEN PLEASE, DON'T DO THIS!  Please!"  rinig ni Jayden na sabi ni Yoshabel.

Nag-aalala naman si Jayden na tumakbo palapit dito pero napahinto sya at nagulat ng may marinig na putok ng baril.

"WALANG GAGALAW NI ISA MAN SA INYO!"  malakas na sigaw ng babae mula sa pinaka likod ng simbahan kung saan nasa likod lang din sya ni Yoshabel. 

Kasabay nito ang paglingon ni Yoshabel and there she saw a girl wearing a black shades with black clothings.

"Elaine?"  -  Yoshabel

Nakita nyang lumapit ito sa kanya.

"AKALAIN MO NGA NAMANG BUHAY KA PA PALA?"  sabi nya dito habang nakatutok ang baril na hawak nito kay Yoshabel.

Nakita nito na akmang gagalaw si Jayden pero bigla nyang tinutok ito dito.

"Don't dare to move or make any unnecessary actions or your love of your life will die, RIGHT HERE!  RIGHT NOW!"  sigaw ni Elaine kay Jayden.

"ELAINE, AKO ANG KAILANGAN MO DI BA?  I'LL GO WITH YOU JUST LEAVE THEM HERE!"

"NAGPAPATAWA KA BA?  AKALA MO BA HINDI KO ALAM NA PEKE LANG ITONG KASAL MO HAH?  WHAT DO YOU THINK OF ME IDIOT?"  parang baliw na sabi nito.

"YOU CAN'T LOVE ME JAYDEN BUT YOU CAN'T FOOL ME!"  kasabay nito ang pagtawa nya ng malakas.

"SAY GOODBYE TO YOUR QUEEN"  maikling sabi nito at tinutok ang baril kay Yoshabel.

"NO!!!!!"  agad na tumakbo si Jayden palapit sa kanila at tuluyan na ngang nagkagulo sa loob ng simbahan.  Halo-halo na ring mga putok ng baril ang pumuno ng ingay sa loob ng simbahan.

 

.....

Lingid sa kaalaman ng lahat ay mula sa isang sulok nagtatago ang maliit na bata na may subo-subong lollipop at nakasumbrero pa.

Nabigla ang bata ng makita ang Mommy nya na tumatakbo palapit sa mga kinakasal.  Agad nyang tinanggal ang nakasubo sa bibig at napatayo para mas masilip pa ng maigi ang ina. 

Biglang natakot ang bata at mapaiyak ng makita ang Mommy nya na tinututukan ng baril nung babae na nakita nya kanina. 

Nakita pa nyang tinutukan din ang daddy nya nito at marami itong mga sinasabi na hindi nya masundan at maintindihan dahil sa sobrang bilis ng mga nangyayari.

Nakita nyang gumagalaw ulit ang babae paharap sa Mommy nya dahilan para agad syang tumakbo palapit dito.

 

"MOMMMMY!"  sigaw nito.  Nakita sya ng Mommy nito na papalapit sa kanya.  Agad na yumakap ang bata sa kanya at biglang may isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong simbahan at nagsunud-sunod pa ang mga ito.

Para bang biglang tumigil ang pag-ikot ng paligid sa paningin ni Yoshabel, kasabay din nito ang kabingihan na naramdaman nya habang hawak-hawak at tinititigan ang anak na walang malay at naliligo sa sarili nitong dugo.  Gulat na gulat pa rin sya sa mga nangyayari at gusto na nyang gumising sa isang masamang panaginip na nararanasan nya ngayon.

"YOSHABEL,  YOSH!  YOSH! Yoshabel!"  Tawag sa kanya ni Jayden.  Pero wala sya sa katinuan para sagutin ito.

Gusto nyang sumigaw ng sobrang lakas pero wala syang lakas para gawin iyon.  Binuhat nya ang halos patay ng katawan nito habang papalabas sya ng simbahan. 

"Give him to me, I'll carry him"  umiiyak na sabi ni Jayden.

Tinitigan nya lang ito, sabay lipat ng bata sa mga bisig nya.

....

After three days

"Yoshabel, let's go.  Makakasama sayo ang ginagawa mo, please!  Isipin mo naman ang anak natin."  Pagmamakaawang sabi ni Jayden sa kanya.

"No!  I'll wait for him here!"  sabi nito kay Jayden.

"I said we have to go!"    naramdaman nya ang hawak ni Jayden sa kamay nya dahilan para humarap sya dito.

"Hindi ako aalis ng bansang ito ng wala ang anak ko!"  umiiyak na sabi nya.  nakaramdam na naman sya ng panghihina kaya bigla syang napaluhod.

"Jayden, kasama ko pa sya dito ehh, nagtago pa nga sila sa eroplano nyo, bumaba pa kami ng airport!  Babalik pa sya!"  patuloy pa rin sya sa pag-iyak.  "Jayden, babalik pa ang anak natin.  Please, kaylangan ko pa ng oras."

"ALAM MO BANG MAS MAHIHIRAPAN SYANG UMALIS KAPAG NAGKAKAGANYAN KA?"  hinawakan na nya si Yoshabel sa magkabilang balikat.  At kinulong nya ito sa mga bisig.

"Please, Yoshabel, I know how hard it is knowing that King will no longer come back with us.!  Masakit, sobrang sakit, but we have to move on"  sabi nya dito habang pinipigilang ang pag-iyak sa harapan nya.

At mas lalo pang lumakas ang iyak nito sa mga bisig ni Jayden.

"Hindi ko talaga kaya, Jayden, hindi ko talaga kaya, sobrang sakit"  iyak nya habang nakayakap dito.  "Sana ako na lang ehh, sana ako nalang ang nabaril, bakit ba kasi humarang pa sya!  Please, I can't contain the pain that I am feeling right now"  sabi nito bago pa sya tuluyan ng mawalan ng malay.

......

Next chapter:  Epilogue.  Only my followers can have the access to my epilogue. 

 

.

.pero syempre joke lang yun :-)

 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2